البحث

عبارات مقترحة:

الرقيب

كلمة (الرقيب) في اللغة صفة مشبهة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل) أي:...

المصور

كلمة (المصور) في اللغة اسم فاعل من الفعل صوَّر ومضارعه يُصَوِّر،...

الجبار

الجَبْرُ في اللغة عكسُ الكسرِ، وهو التسويةُ، والإجبار القهر،...

سورة التوبة - الآية 36 : الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

تفسير الآية

﴿إِنَّ عِدَّةَ الشُّهُورِ عِنْدَ اللَّهِ اثْنَا عَشَرَ شَهْرًا فِي كِتَابِ اللَّهِ يَوْمَ خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ مِنْهَا أَرْبَعَةٌ حُرُمٌ ۚ ذَٰلِكَ الدِّينُ الْقَيِّمُ ۚ فَلَا تَظْلِمُوا فِيهِنَّ أَنْفُسَكُمْ ۚ وَقَاتِلُوا الْمُشْرِكِينَ كَافَّةً كَمَا يُقَاتِلُونَكُمْ كَافَّةً ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُتَّقِينَ﴾

التفسير

Tunay na ang bilang ng mga buwan ng taon sa kahatulan ni Allāh at pasya Niya ay labindalawang buwan ayon sa pinagtibay ni Allāh sa Tablerong Pinangalagaan nang unang nilikha ang mga langit at lupa. Kabilang sa labindalawang buwang ito ay apat na buwang ipinagbawal ni Allāh sa mga ito ang pakikipaglaban. Ang mga ito ay tatlong magkakasunod (Dhulqa`dah, Dhulḥijjah, at Muḥarram) at isang namumukod-tangi (Rajab). Yaong nabanggit na bilang ng mga buwan ng taon at pagbabawal sa apat sa mga ito ay ang relihiyong tuwid, kaya huwag kayong lumabag sa mga buwang pinakababanal na ito sa katarungan sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagpapaganap ng labanan sa mga ito at paglapastangan sa kabanalan ng mga ito. Makipaglaban kayo sa mga tagapagtambal nang sama-sama kung paanong sila ay nakipaglaban sa inyo nang sama-sama. Alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos Niya at pag-iwas sa ipinagbawal Niya sa pamamagitan ng pagpapawagi at pagpapatatag. Ang sinumang si Allāh ay kasama niya ay hindi magagapi ng isa man.

المصدر

الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم