البحث

عبارات مقترحة:

الأكرم

اسمُ (الأكرم) على وزن (أفعل)، مِن الكَرَم، وهو اسمٌ من أسماء الله...

الباسط

كلمة (الباسط) في اللغة اسم فاعل من البسط، وهو النشر والمدّ، وهو...

المحسن

كلمة (المحسن) في اللغة اسم فاعل من الإحسان، وهو إما بمعنى إحسان...

Ang Pagsusuot ng Lalaki ng Ginto

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف Yusof Alaiden Butucan ، Nur Maguid
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات اللباس والزينة
Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali’t ipinagbabawal sa mga kalalakihan

التفاصيل

Si Abu Musa al-Ash'ari ay nag-ulat na ang Propeta ay nagsabi: "Ang Silk (seda) at ginto ay ipinahihintulot lamang sa mga kababaihan ng aking Ummah (pamayanan) subali't ipinagbabawal sa mga kalalakihan." Sa panahon ngayon, ang mga pamilihan (ng ginto) ay puno ng iba't ibang bagay na nakadisenyo para sa kalalakihan, katulad ng relo, butones, panulat, lalagyan ng susi, medalya na iba't ibang uri na yari sa ginto. Isa sa mga pangkaraniwang kasalanan na matatagpuan sa mga patimpalak ay ang mga regalong relong gintong panlalaki. Si Ibn Abbas ay nag-ulat na nakita ng Sugo ng Allah ang isang lalaking may suot na gintong singsing; kinuha niya ito at itinapon sa isang tabi, at nagsabi, "Nais ba ng isa sa inyo ang kumuha ng nagbabagang Apoy sa Impiyerno at hahawakan ito ng kanyang kamay?" Pagkatapos umalis ang Propetar, may isang nagsabi sa lalaki: "Bakit hindi mo kunin ang iyong singsing at pakinabangan ito (ipagbili ito)?" Siya ay nagsabi, "Hindi, sumpa man sa AllahU, kailanma'y hindi ko maaaring kunin ang anumang itinapon ng Sugo ng Allah."