البحث

عبارات مقترحة:

العليم

كلمة (عليم) في اللغة صيغة مبالغة من الفعل (عَلِمَ يَعلَمُ) والعلم...

القهار

كلمة (القهّار) في اللغة صيغة مبالغة من القهر، ومعناه الإجبار،...

الغفار

كلمة (غفّار) في اللغة صيغة مبالغة من الفعل (غَفَرَ يغْفِرُ)،...

Ang Mga Alintuntunin sa mga Pagkain

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات كتاب الأطعمة
O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin sa inyo.…......

التفاصيل

Ang Mga Pagkain Inatasan ng Allah ang Kanyang mga lingkod na kumain ng mga pagkaing nakabubuti at ipinagbawal Niya sa kanila ang mga pagkaing nakasasama. Sinasabi Niya (2:172): "O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin sa inyo.…" Ang halos lahat ng pagkain ay ipinahihintulot maliban sa mga ipinagbawal. Ang Allah ay nagpahintulot sa Kanyang mga lingkod na mananampalataya na kumain ng mga nakabubuting pagkain upang pakinabangan nila ang mga ito. Hindi ipinahihintulot na gamitin ang mga biyaya ng Allah sa pagsuway. Nilinaw ng Allah sa Kanyang mga lingkod ang ipinagbawal Niya na mga pagkain at mga inumin. Sinasabi Niya (6:119): "…gayong ipinaliwanag Niya sa inyo na malinaw ang ipinagbawal Niya sa inyo, maliban doon sa kung kayo ay mapipilitan.…" Ang anumang hindi nilinaw na ipinagbabawal, ito ay Halal (ipinahihintulot ng Allah). Nagsabi naman ang Propeta (SAS): "Tunay na ang Allah ay nagsatungkulin ng mga tungkulin, kaya huwag ninyong ipagpawalang-bahala ang mga ito; nagtakda ng mga hangganan, kaya huwag ninyong lampasan ang mga ito; nagbawal ng ilang mga bagay, kaya huwag ninyong labagin ang mga ito; nanahimik sa ibang mga bagay bilang awa sa inyo—hindi sanhi ng pagkalimot, kaya huwag na ninyong usisain ang mga iyon.” Samakatuwid, ang bawat bagay, tulad ng mga pagkain, mga inumin, at mga kasuutan, na hindi nilinaw ng Allah o kaya’y ang Kanyang Sugo (SAS) ang pagbabawal nito ay hindi ipinahihintulot na ipagbawal ito. Ang patakaran ay ganito: ang bawat pagkain na Tahir (itinuturing na malinis sa Islam kaya naman ipinahihintulot na kainin) na hindi nakapipinsala ay ipinahihintulot; taliwas sa mga pagkaing Najis (itinuturing na marumi sa Islam, kaya naman ipinagbabawal na kainin) gaya ng patay na hayop, dugo, nakalalasing na inumin, sigarilyo, at pagkaing nahaluan ng bagay na Najis dahil ang mga ito ay ipinagbabawal sapagkat nakasasama at nakapipinsala. Ang ibig sabihin ng patay na hayop ay ang hayop na naalisan ng buhay nang hindi ayon sa pagkakatay na itinatagubilin ng Islam. Ang dugo na ipinagbabawal ay ang dugong lumalabas sa hayop kapag kinakatay. Ang dugong naiiwan sa loob ng karne matapos katayin at ang dugong natitira sa mga ugat ay ipinahihintulot kainin. Ang mga Ipinahihintulot na Pagkain Ang mga ipinahihintulot na pagkain ay dalawang uri: ang mga hayop at ang mga halaman. Ipinahihintulot ang alin man sa mga ito kung hindi nakakapipinsala. Ang mga hayop ay dalawang uri: mga hayop na nabubuhay sa lupa at ang mga hayop na nabubuhay sa dagat. Sa kabuuan, ang mga hayop na nabubuhay sa dagat ay Halal at hindi na rin kailangang katayin ayon sa itinatagubilin ng Islam sapagkat kahit nga ang patay (namatay na hindi kinatay) na hayop ng dagat ay ipinahihintulot na kainin. Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na ipinagbawal ng Islam at ang mga ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang asno na inaalagaan, 2. Ang anumang hayop na may pangil na ginagamit nito sa pagsila, maliban sa hyena. 3. Ang mga ibon, maliban sa mga sumusunod: A. Ang mga ibon na may kukong ipinandadagit o ipinansisila. Nagsabi si Ibnu 'Abbas (RA): "Ipinagbawal ng Sugo ng Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila." B. Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin dahil sa dumi ng kinakain ng mga ito. 4. Ipinagbabawal din ang mga hayop na nakapandidiri tulad ng ahas, daga, at mga kulisap (maliban sa balang at tipaklong).  Ang iba pa sa mga hayop at mga ibon na nabanggit ay Halal tulad ng kabayo, baka, kalabaw, kambing, tupa, usa, manok, asnong ligaw (hindi inaalagaan), usa, ostritch, kuneho, at iba pa. Hindi kabilang sa mga ito ang Jallalah: ang hayop na bagaman Halal ngunit ang karamihan sa kinakain ay Najis. Ipinagbabawal kainin ang Jallalah hanggang hindi ito ikinukulong ng tatlong araw at pinakakain ng pagkaing malinis. Makroh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang, at anumang tulad nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjid. Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing Haram (ipinagbawal), dahil ikapipinsala ang hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang manatiling buhay. Ang nakalalason ay hindi maaaring kainin kailanman. Ang sinumang mapadaan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman at wala ring nagbabantay; ipinahihintulot sa kanya na kainin ang nasabing bunga ngunit hindi siya magdadala, hindi aakyat sa puno, hindi mambabato ni manunungkit ng bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang kung kinakailangan. Ang Magandang Asal sa Pagkain at Pag-inom Itinuring ng Muslim na ang pagkain at inumin ay daan lamang na maghatid sa isang layunin at hindi ang mismong layunin. Kumakain siya at umiinom nang sa gayon ay kanyang mapanatili ang kalususgan ng kanyang katawan na sa pamamaitan nito ay nasasamba niya ang Allah. Ang pagsambang iyon ang siyang nagbibigay sa kanya ng karapatang matamo ang tahanan sa Kabilang Buhay at mamuhay na maligaya roon. Hindi siya kumakain at umiinom alang-alang sa pagkain, inumin, at sarap ng mga ito. Kaya naman kung hindi rin lamang siya nagugutom ay hindi siya kumakain, at kung hindi siya nauuhaw ay hindi rin siya umiinom. Naisalaysay na ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Tayo ay mga taong hindi kakain hangga’t hindi nagugutom, at kapag kumain naman tayo ng hindi nagpapakabusog.” Dapat sundin ng isang Muslim sa pagkain at pag-inom ang mga magagandang asal na itinatagubilin ng Islam. Ang Mga Magagandang Asal Bago Kumain 1. Na pipiliin ang nakabubuting pagkain at inumin sa pamamagitan ng paghahanda ng mga ito buhat sa mga bagay na halal, nakabubuti, at hindi nahahaluan ng anumang bagay na haram o nakapagdududa (kung haram o hindi). Batay ito sa sinabi ng Allah: “O mga sumampalataya, kumain kayo buhat sa mga nakbubuting bagay na ipinagkaloob naming sa inyo…” [2:172]. Ang nakabubuting bagay ay ang halal na hindi marumi at hindi nakadidiri. 2. Na ang lalayunin sa pagkain at pag-inom ay ang ikapagpapalakas ng katawan upang masamaba ang Allah nang sa gayon ay magtamo ng gantimpala sa kinain at ininom. Ang gawaing ipinahihitulot, sa pamamagitan ng mabuting layunin, ay magiging isang pagsamba sa Allah na may nakalaang gantimpala. 3. Na huhugasan ang mga kamay bago kumain kung ang mga kamay ay may dumi o hindi natitiyak ang kalinisan ng mga ito.   4. Na (kung kumakain sa lapag ay) uupo nang may pagpapakumbaba – uupo ng paluhod sa dalawang paa o uupo sa kaliwang paa habang nakatukod ang kanang binti – gaya ginagawang pag-upo sa Sugo ng Allah (SAS)” Hindi ako kumakain na nakatukod ang kamay sa sahig. Ako ay isang alipin (ng Allah) lamang na kumakain kung papaanong kumakain ang isang alipin, at ako ay umuupo kung papaanong umuupo ang isang alipin.” < 5.  Na magkakasya sa kung ano ang pagkain nakahanda. Na hindi ito pipintasan. Kung magugustuhan ay kakainin at kung hindi naman magustuhan ay huwag kainin. Batay ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Abu Hurayrah (RA): “Walang pagkaing pinintasan ang Propeta (SAS). Kung naiibigan niya ay kinakain niya; at kung hindi niya maibigan ay hindi niya ito ginagalaw.” 6. Na kakain siyang may kasamang iba pa gaya ng panauhin o kamag-anak o utusan. Batay ito ito sa isang Hadeeth: Magtipon kayo sa inyong pagkain at magsabi kayo ng Bismillah (sa ngalan ng Allah), pagpapalain Niya kayo sa inyong pagkain.” Ang Mga Magagandang Asal Habang Kumakain > 1. Na sisimulan ang pagkain sa pagsabi ng Bismillah. Batay ito sa pagsabi ng Propeta (SAS): “Kapag kakain ang sinuman sa inyo, banggitin niya ang pangalan ng Allah; kapag nalimutan niyang banggitin ang pangalan ng Allah sa simula ng kanyang pagkain, sabihin niya ang “Bismillah Awwalan wal Akhiran” (sa ngalan ng Allah, sa simula at sa katapusan).” 2. Na kakain (kung nagkakamay) sa pamamagitan ng tatlong daliri (ang hinlalaki, hintuturo, at hingigitna) ng kanyang kanang kamay. Liliitin niya ang subo at ngunguyain ng maiigi, kakainin ng kung ano ang nasa malapit at hindi ang nasa malayo. Batay ito sa sinabi ng Propeta (SAS): “Anak, sabihin mo ang Bismillah, kumain ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kainin mo kung ano ang malapit sa iyo.” 3. Na pag-iigihin ang pagnguya at sasairin ang laman ng palato pati na ang naiwan sa mga daliri bago pupunasan o huhugasan ang kamay. 4. Na kapag nalaglag ang anuman sa kinain, aalisin ang dumi at kakainin ito. 5. Na hindi hihipan ang mainit na pagkain, hindi ito kakainin hangga’t hindi lumalamig-lamig ng kaunti, hindi hihingahan ang tubig habang iniinom, at hihinga ng tatlong beses habang ang ilong ay hindi nakatapat sa baso. Batay ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu ‘Abbas (RA). Ayon sa kanya, ang Propeta (SAS) ay: “nagbawal na huminga sa loob ng baso o ihipan ang loob nito.” 6. Na iiwasan ang labis-labis na pagkabusog. Batay itosa sinabi ng Propeta (SAS): “Wala ng pinupunong sisidlan ang isang tao na mas masama pa sa kanyang tiyan. Sapat na sa anak ni Adan (tao) ang mga maliliit na subo na pupuno sa pangangailangan ng kanayang katawan. Kung hindi niya iyon magawa, ang ikatlong bahagi (ng tiyan) ay para sa kanyang pagkain, ang ikatlong bahagi ay para sa kanyang inumin, at ang ikatlo ay paa sa kanyang paghinga.” 7. Na hindi mauunang magsisimulang kaumin o uminom kung sa hapag ay may mas lalaong karapat-dapat na panauhin dahil sa katandaaan o pagtataglay ng kahigitan sa iba sapagkat ang gayon ay nakasisira sa mga magnadang sal at ang gumagawa nito ay mapagkakamalang matakaw. 8. Na huwag titingnan ang mga kasama habang kumakain at huwag silang babantayan sapagkat mahihiya sila. Dapat pa ngang huwag ituon ang paningin sa mga kumakaing kasama at huwag silang pagmamasdan dahil baka ikayamot nila iyon. 9. Na hindi gagawin ang karaniwang pinandidirihan ng mga ito. Kaya’t huwag ipapagpag sa plato ang (natitirang pagkain sa) kamay at huwag ilalapit ang ulo sa plato habang kumakain at sumusubo para walang anumang buhat sa bibig ang malaglag sa plato. Ang an umang kinagatan ay huwag ibabalik sa plato (kung sama-samang kumakain sa iisang plato). Huwag ring magsasalita ng mga salitang ipinahihiwatig ay ang mga marurumi sapagkat iyon ay baka ikayamot ng ilan sa mga kasama. Ang pangyayamot sa Muslim ay ipinagbabawal. Ang Mga Magagandang Asal Matapos Kumain 1. Na hihinto sa pagkain bago tuluyang mabusog bilang tanda ng pagkatulad sa Sugo (SAS) at upang huwag maimpatso. 2. Na sasairin ang natirang pagkain sa kamay at pagkatapos ay pupunasan o huhugasan ang kamay. Ang paghuhugas ng kamay ay siyang karapat-dapat at lalong mainam. 4. Na pupulutin ang mga nahulog na pagkain habang kumakain sapagkat ito ay tanda ng pagpapasalamat sa biyaya. 5. Na aalisin ang tinga sa mga ngipin, magmumumog upang maalis ang amoy ng pagkain sa bibig sapagkat ang bibig ay ginagamit sa pagsambit sa Allah at sa pakikipag-usap sa kapwa tao, at sapagkat ang kalinisan ng bibig ay nagpapanatili ng kalusugan ng ngipin. 6. Na pupurihin ang Allah matapos kumain at uminom sa pamamagitan ng pagsabi ng Alhamdu Lillah (ang papuri ay ukol sa Allah) o Alhamdu Lillahil Ladhee At’amanee Wa Saqaanee Min Ghayri Hawlim Minnee Wa Laa Qoowah (Ang Kahulugan: Ang papuri ay nauukol sa Allah na nagpakain sa akin at nagpainom bagaman walang lakas at kapangyarihan akong ginamit.)