البحث

عبارات مقترحة:

السميع

كلمة السميع في اللغة صيغة مبالغة على وزن (فعيل) بمعنى (فاعل) أي:...

الأكرم

اسمُ (الأكرم) على وزن (أفعل)، مِن الكَرَم، وهو اسمٌ من أسماء الله...

المصور

كلمة (المصور) في اللغة اسم فاعل من الفعل صوَّر ومضارعه يُصَوِّر،...

Ang Kahalagahan ng Pag-aayuno sa Araw ng Ashura’

الفلبينية (تجالوج) - Tagalog

المؤلف
القسم مقالات
النوع نصي
اللغة الفلبينية (تجالوج) - Tagalog
المفردات مناسبات دورية - يوم عاشوراء
Naiulat ni Abu Qatadah – nawa’y kalugdan siya ng Allah – kanyang sinabi: (Tinanong ang Propeta (SAS) tungkol sa Pag-aayuno sa araw ng Ashura’, At kanyang sinabi: “ Katotohanan, ang palagay ko’y karapat-dapat sa Allah na Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon na nauna sa kanya.”). Isinalaysay ni Muslim......

التفاصيل

(ika-sampong araw sa buwan ng Muharram) Salin sa Tagalog ni Muhammad Taha Ali   PINAWAWALANG SALA ANG NAKARAANG TAON NA NAUNA SA KANYA   Naiulat ni Abu Qatadah – nawa’y kalugdan siya ng Allah – kanyang sinabi: (Tinanong ang Propeta (SAS) tungkol sa Pag-aayuno sa araw ng Ashura’, At kanyang sinabi: “ Katotohanan, ang palagay ko’y karapat-dapat sa Allah na Kanyang pawalang-sala ang nakaraang taon na nauna sa kanya.”). Isinalaysay ni Muslim   ANG MGA URI NG PAG-AAYUNO SA ARAW NG ASHURA’   Nabanggit ng ilang mga Pantas, na ang Pag-aayuno sa araw ng Ashura’ ay may tatlong kalagayan:   1. Na ito’y pag-aayunuhan kasama ang araw na nasa unahan nito o ang kasunod nito. 2. Na ito lamang ang pag-aayunuhan. 3. Na ito’y pag-aayunuhan kasama ang araw na nasa unahan nito at ang kasunod nito, at ito ang pinakatumpak. Walang sala kung ito lamang ang pag-aayunuhan.   ANG OKASYON O DAHILAN NG PAG-AAYUNO SA ARAW NA ITO   Bilang pasasalamat sa Allah sa pagkaligtas Niya kay Musa (AS) at sa kanyang mga tao mula kay Fir’aun at sa kanyang mga tao, at iyon ay sa ika-sampong araw sa buwan ng Muharram.   ANG MGA PAKINABANG SA PALIBOT NG OKASYONG ITO:   1. Makabubuting pag-aayunuhan ang araw ng Ashura’ bilang pagtulad sa Propeta (SAS).   2. Makabubuting pag-aayunuhan ang araw na nasa unahan nito o ang kasunod nito, upang mapagtanto ang pagsalungat sa mga Hudyo.. na siyang ipinag-utos ng Propeta (SAS).   3. Ang araw na ito ay may dakilang kahusayan at dating kabanalan.   4. Ito’y bilang pahayag na ang pagtatakda ng panahon ng mga unang Pamayanan ay sa pamamagitan ng pagsikat ng bagong Buwan at hindi sa mga buwan ng Gregoria, dahil ipinabatid ng Sugo e na ang araw ng paglipol ng Allah kay Fir’aun sampo ng kanyang mga kasamahan at pagligtas kay Musa at ang kanyang mga tao ay sa ika-sampong araw ng Muharram.   5. Ito ang tamang nakasaad sa Sunnah ng Propeta etungkol sa natatanging araw na ito at ang bukod dito na ginagawa, samakatuwid ito’y Bid-ah, taliwas sa patnubay ng Propeta (SAS).   At ito ay ilan sa pagpapala ng Allah sa atin, nang dahil sa isang araw na pag-aayuno ay ipinagkaloob sa atin, ang pagpapawalang-sala ng mga kasalanan sa loob ng isang taon, at ang Allah ang nagmamay-ari ng dakilang pagpapala. Kaya aking kapatid magmadali at samantalahin ang pagpapalang ito, at umpisahan mo sa pamamagitan ng pagsunod sa Allah ang iyong bagong taon, at sa pag-uunahan ng mga kabutihan, dahil (Katotohanan, ang mga mabuti ay nagpapawi ng mga masama).   Hinango mula sa salita ni Shaikh Muhammad Al-Uthaimin sa aklat na (Ad-diya’ Allaa-mi’) at Shaikh Salih Al-Fawzan, sa aklat na (Al-khutab Al-mimbariyyah).